Sabado, Marso 17, 2018

Related image
   Maligayang Pasko
Kabanata VIII

I. TAUHAN
  • Juli - ang anak ni kabesang Tales  at apo ni Tata Selo. Kasintahan siya ni Basilio.
  • Tata Selo - ang ama ni Kabesang Tales na naging manlungkot sapagkat ang kanyang apo ay naninilbihan bilang katulong ni Hermana Penchang at ang kanyang anak ay itinangay ng mga tulisanat hiningan sila ng malaking kalag na pera.
  • Kamag-anak ni Tata Selo - sila ay dumating sa tahanan ni Tata Selo sa pagnanasa na sila'y mabigyan ng aginaldo sapagkat araw iyon ng pasko.
II. PAGBUBUOD

                          Gumising nga maaga si Juli upang tuparin ang kasundulan na siya'y maninilbihan bilang isang katulong ni Hermana Penchang. Nagbalik-tanaw ang kwento sa gabi kung saan si Juli ay nagdadarasal na may maganap na milagro ngunit liham galing sa kanyang ama na nanghingi ng 500 pisong halaga pambayad sa tumangay sa kanya ang kanyang na tanggap.

                          Naging malungkot si Tata Selo sa nagyari ng kanyang anak at apo. Kahit na ang kanyang kalooban ay ipinapagaan ni Juli, hindi pa rin siya maligaya. Lumisan si Juli na hindi man lang nakapaalam at bumati ng Maligayang Pasko na lubos niyang ikinalunglot. Si Juli naman ay pilit na pinapagaan ang kanyang sairili sa pangako ni Basilio sa kanya. At lubos na nanmang nalungkot si Tata Selo nang Dumating ang kanyang mga kamag-anak na nagnanasang makatanggap ng agnaldo ngunit binabatian lamang niya ito ng Maligayang Pasko.

III.PAGSUSURING PANGNILALARAWAN


A. LUGAR AT PANAHON
  • Naganap ang pangyayari sa tahan ni Tata Selo.
  • Naganap naman ito sa panahon ng Pasko, pero hindi maganda ang pasko nila.

B. SULIRANIN
  • Nakadama ng lungkot sina Juli at Tata Selo sapagkat idiniriwang nila ang kanilang pasko na puno ng problema. Ito ay dahil naging alipin si Juli, itinangay si Kabesang Tales dahil sa tulisang nanghihingi ng 500 piso at ang panghuli ay ang kanilang kamag-anak ay nagsidatingan at nagnanasa ng aginaldo ngunit wala man siyang maibigay.

C. ISYUNG PANLIPUNAN

                     Pare-pareho ang pangyayari sa Kabanata sa kasalukuyang nagaganap ngayon kung saan ang mga bata ay ang ginagamit upang manghingi ng perang pamasko ng kanilng ninong at ninang at ito'y gamitin ng kanilang magulang sa maling paraan. Meron ring isa kung saan si Juli ay minamaltrato ni Hermana Penchang ay maisasalungat sa panahon ngayon na ang mga katulong ay minamaltrato at inaabuso.


D. ARAL 

                      Ang paghihirap sa buhay ay hindi mo dapat pahahariin sa isip at puso mo. Ang magkapimlyan sa Kabanatang ito ay hindi nagpapdala sa kaniang problema at tumutugon sa mga positibong bagay. Bilang mag-aaral na nakakaranas ng maraming problema, dapat kong sundin sina Tata Selo at si Juli na hindi nawawalan ng pag-asa